PAANO
NAGSIMULA ANG WEBSITE NA ITO Ang kwento ng Tribute to Ninoy
website
by Arnold Barredo
Ngayong
buwan ng Agosto ay sampung taon na ring nanatili sa internet ang website
na ito, bagamat maraming suliranin din ang dumaan, ngunit sa bandang huli
buhay pa rin ang "TRIBUTE TO NINOY" WEBSITE at patuloy na
nagbibigay gabay lalo na sa kabataan para malaman ang yugto ng kasaysayan
ukol sa buhay at kadakilaan ni Ninoy.
Ibabahagi
ko ang aking muntingkuwento,
kung paano at bakit ko nilikha ang website na ito sa salitang Pilipino, sa
dahilan na hindi naman ako gaanong bihasa sa ingles, at mas madali kong
maibabahagi ang kuwento ko sa tagalog,
Ang una kong Graphic image na ginawa noong 2000
Taong
1998 ay bago palang akong natutong mag computer, napilitan kong pag-aralan
dahil ito ang hinihingi noong panahon na yon, at bilang isang Graphic Artist,
medyo nahihirapan akong makipagsabayan at makakuha ng magandang oportunidad
dahil karamihan ng aking napasukan ay walang ginagamit na computer. At nang panahon ring
iyon nagsisimula na ang pagsulpot ng internet, bagamat meron na sa
Pilipinas nito, hindi pa rin sya mainstream at iilan pa lang ang talagang
marunong gumamit nito, Nang kami’y magkaroon ng dial-up internet na may kamahalan pa ang bayad, agad akong nawili sa paggamit nito,
manghang-mangha ako dahil lahat ng inpormasyon at aking interest ay madali
kong nakikita na may kasama pang mga larawan, madali rin nakakapag-communicate
ang magkakakilala dahil sa E-mail. Uso pa non ang kanya-kanyang gawa ng
fansite na karamihan mga sexy celebrities. Halos lahat na yata ng paborito
kong mga artista, banda, singer at mga sports personalities ay napuntahan
ko na ang mga website, at hindi rin naman ako nabigo sa paghahanap. Ika nga,
lumiit ang mundo dahil sa internet.
Agosto
1999, ng bigla na lang pumasok sa isipan ko si Ninoy, na bahagya ko na ringnalimutan ng ilang taon, medyo nabura na sa aking isipan ang kanyang
mga nagawa sa bayan.
August 1983, nang dumating si Ninoy at
napatay
Ako
ay lumaki sa pangkaraniwang pamilyang nakamulatan si ninoy, bata pa lang
ako ay laman na ng aming bahay ang pangalang Ninoy Aquino, Alam kong pinakulong sya
dahil sa pagtuligsa sa rehimen ni Marcos, Halos lahat ng aking kapatid ay
humahanga sa kanya, lalo na ang kapatid kong babae. At nung araw ng sya’y
pinaslang, lahat sila’y nakatutok sa Radio Veritas, hanggang sa kami ay
nakipila sa kanyang burol sa Times street at sa Sto. Domingo church,
personal kong nakita ang kanyang labi na mahirap makilala dahil sa puno ng
pasaang mukha, at suot suot pa
rin ang ternong kanyang kinamatayan, na dati ay kulay puti ngunit nabalutan
ng sarili nyang dugo. Natuklasan ko ring ang taong nagmamahal sa kanya,
lalo na ng dumating ang kanyang libing, hindi man ako nakasama dahil
ako’y 14 pa lang noong panahon na iyon, ngunit ng nakita kong nakalathala
sa mga diyaryo ang larawan kung gaano kadami ang nakiramay, ay naisip kong kakaiba nga ang taong ito.
Dumating
pa ang ilang buwan ay nagsunod sunod na ang aming partisipasyong sa mga
rally, lagi akong kasama ng aking mga nakakatandang kapatid para sumali sa
noise barrage gamit ang luma naming sasakyan, sobrang saya ng aking
pakiramdam na akala mo ay nasa isang pagdiriwang, pero sa kabila non, hindi pa
batid at limitado pa ang akingkaalaman
tungkol sa kanilang pinaglalaban at ang panganib na nagbabadya tuwing kami
ay nasa kalsada.
1985,
lalo pang lumakas ang sigaw ng taong bayan, araw araw ay may malawakang
rally sa lahat ng lupalop ng Pilipinas, update kami sa kaganapan dahil na
rin sa kapatid kong aktibo sa protesta. At nagpatawag nga ng snap election
si Marcos, Naging buo na ang partisipasyon ng ate ko, at sa maliit na
paraan, ay tumulong kami sa kanyang pagkampanya kay Ginang Cory Aquino,
namimigay kami ng pins, buttons, flyers sa mga tao sa kalsada, kahit
kadalasan ay hindi pinapansin, at nababastos. Natatandaan ko nung snap
election, ang ate ko ang isa sa namamahagi ng mga sandwiches para sa mga
watchers sa mga precincts, at sa pagkakataon na iyon ay nagpapasama sya sa
aming lalaki para may taga-buhat.
Ang aming headquarters 1986
At
dumating nga ang People Power , hanggang naluklok na sa pagka Presidente si
Former President Cory aquino, at lumipas na ang mahabang panahon na naging
abala na ako at karamihan ng mga Pilipino sa kani-kanilang sariling Gawain,
masyado ko sigurong ini enjoy ang kalayaan, natutuwang panoorin ang kaliwat
kanang pagbabatikusan ng mga pulitiko, nawala na sa loob kong gunitain na
minsan ay may isang taong namatay para tamasahin ang kalayaang nararanasan
ko ngayon.
Year
2000
At dahil nga nanumbalik lahat ng ala-ala ni Ninoy sa akin, naisip kong
kilalanin ko pa siya mabuti, ano ang kanyang naging buhay bago nakulong, at
ano ang kanyang kalbaryo sa kulungan, ano pa ang hindi ko nalalaman sa
kanyang kabayanihan. At sa panahong ito, wala ng mas dadaling makakuha ng
inpormasyon kundi sa ngayong sumisikat na internet.
At sinimulan ko na nga ang paghahanap ng inpormasyon tungkol kay Ninoy sa
internet,sinubukan kong i-type
ang salitang Ninoy sa noo’y bago pa lang nasearch engine na Google, ang unang bumubulaga sa akin na mga resulta
ay puro tungkol sa airport, 500 peso bill, ninoy aquino stadium, ninoy
aquino wildlife park, ninoy aquino avenue. Hirap akong maghanap ng
inpormasyon na sumisentro sa kanyang pagkabayani,
at isang website na sumesentro lamang sa kanya. Hanggang sa aking
paghahanap, nakita ko ang isang website na
http://library.thinkquest.org/15816/thebeginning.article7.html
Ang library.thinkquest
at
humanga ako sa pagka-disenyo at nilalaman ng website na ito tungkol sa Edsa
People power. At may isang pahina doon na tumatalakay kay Ninoy, meron din
itong kasamang audio speeches. labis ang aking paghanga sa may likha ng
website na iyon, at iyon din ang nagtulak sa akin para pag-aralan ang web
design. Nagkaroon ako ng motivation na gumawa ng talagang sesentro kay
Ninoy, at para kay Ninoy lamang,
Ngunit wala akong mga reference na mailalagay
sa aking website, hanggang maalala ko na meron nga palang ginawa ang ate
kong mga scrap books na palagi kong nakikitang pakalat kalat sa tahanan
naming noon, sinimulan kong halughugin ang mga tambak namin sa bahay,
hanggang Makita ko ang plastic bag na may mga nilalamang mga lumang
magazines, dyaryo, at kabilang sa laman ng plastic bag na iyon, ay ang
dalawang scrap books ng ate ko, ang isa ay tungkol kay Ninoy, at ang
pangalawa ay kay Pres. Cory.
Parang
isang time capsule ang laman ng scrap book na iyon, doon nakatabi lahat ng
souvenirs na ginamit nung panahon ng protesta para kay Ninoy noong 1983,mga articles, pictures, flyers, poster, newspaper clippings, at ang
isa ay nung tumatakbong pagka presidente si Cory nung 1985-86. Pati ang
yellow ribbon na tinali sa times street nung burol ni ninoy ay nandoon,
lahat ng impormasyong aking dapat malaman ay naroroon. Naisip ko na ito na
ang pagkakataon ibahagi sa iba ang laman ng scrap book na ito. Kung hindi
ko siguro nakuha ito ay tiyak na tuluyan ng mawawala ito dahil na rin sa
katagalan at maaring pagkamalang basura at matapon.
Ang Scrapbooks ng aking Ate
Hindi rin naging madali sa akin ang pag-aralan
ang paggawa ng website at ang proseso nito, wala pa noong friendster,
multiply, facebook, myspace o Blog na magiging madali para sa akin sa
paglikha. Kailangan ko pang pag-aralan ang HTML code at frontpage, kaya
napilitan akong bumili ng libro sa halagang P75
Unti-unti at sa konting pagtitiyaga ay
nagkakaroon ng improvement sa pagawa ko ng website, sa tulong ng bago kong
biling scanner ay nai tratransfer ko ang mga images sa computer,
Naging problema ko rinang
pagsusulat,hindi ako
nabiyayaan ng talento sa pagsusulat, at ang aking English ay hindi ko rin
maipagmamalaki ng lubusan, kaya iniwasan ko na lang ang paglagay ng sarili
kong comment, kung meron man ay sa tagalog, .kaya naisip kong kopyahin na
lang ang mga articles sa mga magazine at lumang dyaryo. ang mahalaga ay
malagay ko ang mga mahahalagang impormasyon na ito na dati ay nasa tambakan
lang.
at
pagkaraan ang ilang araw ay natapos ko na ang kabuuan ng pahina. Ang
sumunod na naging hadlang ay kung paano ko ilalagay sa mismong internet ang
webpage ko na makikita na ng nakakarami, agad akong nag research, at
dun ko nalaman ang tungkol sa web hosting na free, at isa sa napili ko ay
ang ngayong sarado ng Geocities.com.
Para
akong batang tuwang tuwa ng na upload ko na lahat ang files, at sa wakas,
noong August 2000, di ko na matandaan mismong araw, ay opisyal nang naka
online ang aking website na pinamagatan kongTRIBUTE TO NINOY. at ang web address niya ay: www.geocities.com/bans11/ninoy.htm
Tribute to Ninoy website 2000
Pagkaraan ng ilang araw ay nakikita kong
unti-unting dumarami ang bumibisita sa aking website, at naisip kong lagyan
ng guest book para makapagsulat ang aking bisita at masabi nila ang mga
saloobin nila tungkol kay Ninoy, ngunit
dahil nga automatic ang guest book ng Geocities, maraming comment ay pawang
mga walang kaugnayan kay Ninoy at ang iba ay mga nagsusulat ng mga
kabastusan, spam mail, hate mail at di ko madelete. Dahil sa gusto ko ang
guest book na ito ay maging isang parang cyber shrine ni Ninoy, na
kailangan ay may pagalang at respeto tulad ng pagpunta mo sa puntod ng
iyong minamahal sa buhay, kaya nagdesisiyon akong maghanap ng libreng form
na sa e-mail mo marereceive ang kanilang comments, mas matrabaho pero ok na
sa akin at least nasasala mo bawat mensahe, since wala rin akong alam sa
programming o paggawa ng script. kaya ang guestbook na yon ay ang guestbook
na ginagamit ko hanggang ngayon.
Early Geocities
logo
Tuwing dumarating ang August 21, ay lagingring hindi ma access ang website ko, `dahil free hosting lang ang
geocities, konti lang ang bandwith space nya, at pag nag exceed, ay hindi
mo na ma oopen. kaya nag decide akong ilipat ng free host service. At nung
2002 -03 ay may bagong free hosting na site, ang fil.ph, lumipat agad ako
doon, mas malaki ang storage nya at walang banner ads, pero in just few
months, parang bula ring nawala ang service na ito, kaya wala akong choice
kundi maghanap uli.
And then nadiscover ko ang www.50webs.com, na
bukod sa maraming free storage, ay wala pang limit yung bandwith niya, kaya
kahit marami akong traffic, hindi sya mag eexceed.. so far so good, at
ilang taon ko na rin gamit ang host na ito. kung sino man ang me ari ng
50webs. THANK YOU SO MUCH!!! Thank you din sa wife ko sa walang sawa sa
pagbili ng prepaid internet card nung kausuhan pa ito, ngayon medyo sosyal
na ng konti, kaya naka DSL na!
50 webs
logo
Naging
top result ang "Tribute to Ninoy" website sa pag-search tungkol
kay Ninoy sa Google, Yahoo, at iba pang popular na search engine, at masaya
ko ring naibabahagi ang mga ginagawa kong Graphic images ni Ninoy, marami
rin ang nagpapaalam upang gamitin ang larawan sa aking website para sa kanilang mga projects at
presentation sa school. madalas ko rin itong makita sa TV, sa mga
Blog, magazines, websites at minsan ay sa t-shirt. hindi ko maaaring
ipagdamot ito dahil mismong si Ninoy ay hindi pinagdamot ang kanyang sarili
sa bayan, at habang nakikita ng nakararami amg mga larawan na ito ay mas
matutunan nilang makilala si Ninoy.
Ang larawang madalas
kong makita sa TV at Blog
Ang isang experience kong di malilimutan ay nang tawagan ako ng programa ni
Ces Drillon na PIPOL, para mag schedule ng interview para sa ika 20th
death anniversary ni Ninoy noong 2003, at naghahanap sila ng isang Ninoy
Fan, since yung website ko ang naka expose sa internet, kaya ako ang isa sa
natawagan. Ilang beses ding tumawag yung staff nila para kumbinsihin ako
humarap sa camera. Pero talagang ayoko, Pero dahil sa adviced
na rin ng late mother ko at aking wife. Pumayag na rin ako, alang-ala sa
legacy ni Ninoy.
It
was a good experience, my family, lalo na ang yumao kong ina was so proud of me. At ang wife ko ay still pregnant that
time sa aming panganay. At ang mga staff and cameraman ng PIPOL ay
all warmth and very nice, thank you Ces! For that wonderful experience!
My family with the PIPOL
staff and crew, after the interview 2003
Kukunin ko
ang pagkakataong ito na pasalamatan kayo na patuloy sa
pagsuporta sa website na ito, nakakataba ng puso kapag may sumulat sa akin
at ibinabahagi nila ang naging kontribusyon ng website na ito sa kanilang
mga buhay. At mga kabataang naging gabay para makilala si Ninoy ng lubusan.
Hanggang ako’y nabubuhay, aasahan niyong nandito lagi ang "Tribute
to Ninoy", at sisikaping kong ituloy ng aking mga anak ang pag
maintainsa website na ito sa
kanilang paglaki, para naman sa susunod na generasyon ay patuloy pa ring
buhay ang alalala ni Ninoy!